Joey Ayala at ang Bagong Lumad Bathala Lyrics

Bathala
likha Ninyo ang bawa't bagay sa mundo
lupang kayumanggi't luntiang bukirin
alat ng dagat at tamis ng hangin

Bathala
ang bawa't bagay na nagmula sa Inyong palad
ay may tungkulin sa mundong kinagisnan
sa pagtupad nito ang lahat ay tinitimbang

ang tao
Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
pinagkalooban ng talino at diwa
upang mundo'y ipagyaman

talino
naging ararong nagpaamo sa parang
naging k__pit na sumagupa sa karagatan
naging apoy na nagpalayas sa karimlan

saganasa
kayamanan ang mundong Inyong likha
at may bahagi rito ang bawa't nilalang
kung susuyuin lang mula sa kalikasan

subali't
buhay-dalisay ay di sapat sa iilan
sila'y nasilaw sa kinang ng kasakiman
ganid na diyos ang sinamba

pinaghahati-hatian po nila ang lupa
karagatan at himpapawid ngayo'y may bakod na
kapwa tao't hayop ma'y inaagawan ng tahanan
walang nakaliligtas sa kanilang karahasan kaunlaran at kabutihan daw ang kanilang sadya
subalit ang lumilitaw ay 'sang panggagahasa

Bathala
ako'y hinugis Niyo't pinaahon sa lupa
ang aking buhay ay dito nagmula
at dito rin inaalay

Bathala
bigyang lakas ito Inyong tanod-lupa
upang umiral sa mapagsamantala
panalangin ko'y dinggin sana
Harinawa
Bathala

See also:

51
51.104
Groundation - 05 Craven Fe' Dead Lyrics
Carrie Underwood God Blessed The Broken Road Lyrics