Sponge Cola Kami nAPO muna ulit - Saan na nga ba ang barkada - Sponge Cola Lyrics
Nagsimula ang lahat sa iskwela
Nagsama-samang labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi paawat sa isa't isa
Madalas ang istambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na
Refrain:
Kay simple lamang ng buhay 'non,
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung.
Saan na napunta ang panahon
Chorus:
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon?
Repeat Last 2 Lines
Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala.
Refrain:
At kung saan na napadpad ang ilan,
Sa dating iskwela meron ding naiwan
Mayroon pa ngang mga ilang nawala na lang,
Nakaka-miss ang dating samahan,
Chorus 2:
Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na nga 'bang barkada ngayon?
Repeat last 2 lines
Ilang taon din ang nakalipas
Wala pa sa'ming tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa iskwela
'Pag magkasama'y nagwawala.
Refrain:
Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon
Coda:
Magkaibigan, magkaibigan
magkabarkada parin ngayon.
Repeat last 2 lines 4x
Nagsimula ang lahat sa iskuwela
See also:
JustSomeLyrics
52
52.102
Corrosion of Conformity Is It That Way Lyrics
Zardanadam Rövanş Lyrics