Death Threat Private Diane Lyrics

CHORUS
oh nahanap ba ang landas,
sa pag gamit ng armas at dahas
ano ang ipinaglalaban
pag-ibig ba o ang sang lipunan
sound off one, two

sa pagkalabit ng armas sa landas ay nahanap lamang
sa pakikibaka at pakikipaglaban ng bata
na tanging inisip ay ang kanyang bayan na inapi
ngunit b__angon at ipagtaguyod na muli
na mga hapdi ng mga sugat
at di na lubos masukat
akalain na kayanin damhin
ang mga ihip ng hangin
kasabay ng pagulan ng mga bala at Granada
mga tangkeng naka parada
sa magkabilang kalsada
sa panananagpo tuloy ang sagupaan
liwanag ay unti unting napawi ng karimlan
umaasang pakinggan ng mga dalangin
nang dakila sa puso't sa diwa
sumaludo para sa bandila ng PILIPINAS
hanggang wakas hindi kukupas
nakaukit na saking isipan ang ipinamalas
na lakas ng isang magiting na BABAE
na sa ala ala ko'y mamamalagi palagi lagi
palagi lagi palagi lagi
(repeat chorus)

ang bayan kong PILIPINAS lupa ng aking lahi
panatang makabayan taas noong ipagmamalaki
dugo moy kayumangi pula puti asul at tatlong araw
LUZON VISAYAS MINDANAO
Ako ikaw lahat tayo mga PINOY
Dugo moy matapang hanggang ngayo'y
upang ipagpatuloy pangarap at karapatan ng bayan
na para sa SANLIBUTAN
ang aking ipaglalaban makamtan
katulad ni PRIVATE DIANE
saludo ako sa inyo mang sayon paninindigan
para sa bayan para sa bansa nabubuo
ng mahigit sa pitong libong pulo
apari hanggang hulo buong mundo
kasi na para ba kang naliligaw
kailan matapos ang labanan *%$@!#

sumisigaw hanggat ikay di tumatanglaw
sa king palinaw itoy parating nakahalaw
ang bawat kagitingan na iyong pinamalas
di namin malilimutan ang inyong dinanas
PILIPINAS ang ating bayan
Perlas ng sinilangan
Kababaihan dapat nating ipagpunyagi
Ngayon ay ibalik nyo
Madalas kong itanong sanyo
Nadarama nyo ba?

(repeat chorus)

mahiwaga ang kasaysayan ng katapatan
at iilan lang handang lumaban
makipagsabayan sa digmaan
at handang mapaglamayan ng taong bayan
maitaguyod lamang ang minimithing kalayaan
at kailanman di kayang sukatin ng ano man
ang alab na lumalagablab saka lagdan
ng isang tumutulang katulad ko makamandag
mikropono ko ay isang sandata
pamalo at *&%#@!
Langging nakakasa dobleng sentido
Kung pumutok tumutuligsa
Pumupuna nagtatanong naguudyok
Boses koy magsisilbing salamin ng buhay
Dito sa lipunan walang urungan
tulad ni DIANE
ilang patak ang dugo ang kailangang tumulo
ilang puso ang matitigok
at hihinto sa pagtibok
ayoko ng magbilang
dahil walang hangganan
ang mundo ng karahasan

(repeat chorus)

See also:

66
66.56
Grupo Bryndis Por Muchas Razones Te Quiero Lyrics
Edith Márquez Un Segundo Lyrics