Zsa Zsa Zaturnnah Original Cast Parlorista ng Bayan Part One Lyrics

ADA (Spoken)
"Sa buhay, may mga pangyayaring hindi natin maipaliwanag. Ang pagsabay ng buhos ng ulan at pagsikat ng araw. Ang pag-aaway ng aso't pusa. Ang paglaho ng inasahang walang kamatayang pag-ibig.

Gayunpaman, tuluy-tuloy ang buhay. Minsa'y hindi mahalagang malaman pa ang dahilan. Basta nangyayari na lang. Tapos.

Tulad ko. Ilang taon ko nang iniisip kung bakit ako ganito. Kung bakit malambot ang galaw ko. Kung bakit matinis ang boses ko. Kung bakit hindi ako...normal.

Balde-baldeng luha na ang naiiyak ko dahil dito. Ngunit sa dulo, tinanggap ko na. Bakla ako.

Kaya pinagsikapan ko na lang na magsilbi sa bayan sa tanging paraan na nalalaman ko. Ang gumawa ng himala para sa mga nilalang na likas na pangit. Dito ko nagawang k__ita ng sarili kong pera, at umani ng paggalang mula sa aking kapwa.

Maraming tanong. Hindi na mahalaga ang kasagutan.

Ako si Ada. Isang bakla .Yun lang!"

SOLO FEMALE
Tumitilaok na naman ang mga tandang (t__ilaok!)
Hudyat na naman ng isang umagang walang kagana-gana

CHORUS
Simula na naman ng isang umagang
Walang katorya-torya
Simula na naman ng isang umagang
Walang kagana-gana

Wala naman masyadong nagaganap sa bayang ito
(Wala naman masayado...)
Araw-araw yun na lang, paulit-ulit at pare-pareho
(Wala masyadong bago...)

MALES
Nakakatorete, nakakabagot...
May mangyayari man di gaanong importante

CHORUS
Simula na naman ng isang umaga
Simula na naman ng isang umaga!!!

MALES
Pag-ikot ng mundo dito'y sing-bagal ng pagong (Ang kupad-kupad!)
Kapalaran ay naka-angkas sa isang karitelang walang gulong

ALL
Ang bayan na ito ay parang lamay na kay haaa ----- ba!

Pero kahit sa bayang tahimik may usap-usapan
Laman ng mga tsismis, pulutan sa inuman
Mula sa may kanto hanggang sa basketbolan
Ito ang bulung-bulungan!

SOLO 2
"Tulad ng kalabaw sa kabilang barangay
Na ipinanganak na may tatlong sungay!"

SOLO 3
"Ang baliw sa likod ng simbahan na laging pinagtatawanan!"

SOLO 4
"Ang magkasintahan sa kanto nung isang linggo'y nagtanan!"

SOLO 5
Pero ang paboritong pag-usapan ng lahat
Ay ang PARLORISTA NG BAYAN!

See also:

72
72.26
soledad Nunca me fui Lyrics
The Clarks Fast Moving Cars Lyrics