Stick Figgas Liham Sa Pangulo ( feat. Francis M. ) Lyrics

Mahal po naming pangulo gumising na kayo
Mawalang galang na po may sasabihin lang ako
Alam ko na kung saan ang pugad ng mga aswang
Ito'y matatagpuan sa loob ng malacanang
Pinamumunuan ng mga tikbalang at bampira
At manananggal na may naglalakihang mga tiyan
Ang perang dapat ay sa bayan, saan napupunta
Para magkaalaman na tara kapkapan ng bulsa
Kami po'y busog na sa inyong mga pangako
Umaasang matutupad kaso mukhang malabo
Pagkat lihiman ng lihiman pilit pinipiringan
Ang aminig mga mata para kami ay magmukhang mga
Walang alam, para mapagtakpan,
ang mga baho ng ating pamahalaan
Kaya sana naman, itaguyod nyo ang
inyong pamamahala sa tamang paraan

Ito ang aking liham na laging pinipilas
kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas
Araw araw naghihintay at umaasa
tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong b__asa???

Pawis na parang nabuhusan ng timba
Sulat lang ng sulat hanggang maubusan ng tinta
Para maiparating sa mahal na pangulo natin
Ang ating hinaing "Ang sakit na ng ulo namin"
Mga pulitiko paramihan po ng kurakot
Kung sino manalo papahiran ko ng kulangot
Kaban ng bayan ninakawan ng ama ng bayan
Nakasanayan na nasa Casino ang tambayan
Tama na nga yan di niyo namamalayan
Kapwa magkababayan na ang nagpapatayan
Subukan mang tigilan ang suntukan at barilan
Di parin matatahimik ang Sulu at ang Basilan
Putukan at palitan ng gulo at ang alitan
Sino dapat pagalitan sa bulok nasa pagitan
Ng digmaan, kudeta, rebelyon at giyera
At ang tanging dahilan ay ang relihiyon at pera

Ito ang aking liham na laging pinipilas
kaya hanggang ngayon nakalubog ang pilipinas
Araw araw naghihintay at umaasa
tanong ko lng po pangulo marunong ba kayong b__asa???

Mahal na pangulo bakit mahal ang mga bilihin
Di mo na nanaisin na tumira dito sa bayan natin
Ang kinain ng mayaman tinatapon sa basura
Pinupulot ng mahirap mapuno lang ang sikmura
Balahurang nahalal halos kaban ng bayan isinugal
Isinambulat sa Senado at sa dyaryo binulgar
Napahiya't ayaw umamain na sila'y nagnakaw din
Di lang sa pagkain pati sa pera ay matakaw din
At pagdating sa lupain sila ay mga buakaw din
Lahat ay inaangkin kahit ano ay gagawin
Mga sakim, ganid sa ginto di makuntento sa milyon
Bilyon ang gusto kahit ang bayan ay baon
Sa utang at sa kangkungan pupulutin
Tanong ko lang sa inyo mahal niyo ba ang bayan natin
Mahal na pangulo paano na ang pilipinas
Lantarang pagnanakaw araw araw di lilipas

See also:

77
77.37
Xutos_e_Pontapes Xutos e Pontapes - Casinha Lyrics
五月天 一顆蘋果 Lyrics