francis magalona watawat Lyrics

Hinagpis ng lahi sayo binuhos
Luha'y tumulo dugo'y umagos
Saksi ang langit sa mga pasakit
Kung sino-sino ang mga gumamit
Inapi ka inano ka sinaktan pa,
Bakit sino ba sila?
Nanumpa ng tapat sayo
Sa papel luman at tsaka dugo
Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw
Sa ilaw na hatid ng pagsilab ng araw
Sa bawat katerba ng balingaw
Kalayaan ang isinisigaw

(Chorus)

Watawat kay gandang tingnan
Watawat sa kalangitan
Watawat itaas mo yan
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Watawat idad ay isang daan
Watawat makulay ang nakaraan
Watawat itaas mo yan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan

Bughaw ang kulay ng katarungan,
kapayapaan at katotohanan.
Pula naman ang kulay ng kagitingan,
katapangan, pagkamakabayan.
Puti naman ang kulay ng kalinisan
na tayong lahat ay pantay-pantay lamang
At ang sinag ng araw na kulay dilaw
ay ang walong lalawigan na lumaban noong araw
Batangas, Bulacan at Laguna sa Nueva Ecija
at Pampanga Maynila, Cavite, Lalawigan ng Tarlac
Ipagtanggol ka lamang oh mahal kong...

(repeat chorus)

Tatlong Bituin at isang araw
Sa pula sa pute sa bughaw sa dilaw
Salubungin ang kaarawan ng bayan
Ipagdiwang natin ang ating kalayaan
Itaas mo yan, itaas mo dyan
Ipantay ang badila ng bayang sinilangan
Alab ng puso sa dibdib ay buhay hanggang mamatay
kahit kanino sasabay
Sana maintindihan at mabigyang pansin
Suriin natin ang istorya ng bandila natin
ang diwa sa disenyo sa mga nagtahi nito,
nag-isip nito, nagtaas nito, nagtaas noo.

(repeat chorus 3x)

Batangas, Bulacan, Laguna, Nueva Ecija,
Cavite, Maynila, Pampanga, Tarlac.

by: GiNoBreTz

See also:

78
78.71
05 Rotting Flower Spleen Eater Lyrics
อ้อน เกวลิน รักเธอหมดใจ Lyrics