Anak Ng Kuwan By: Joey De Leon Lyrics
Nong isilang ka sa mundong ito laking asar ng magulang mo
At ang kamay nila'y kinagat mo
At ang lolo at lola mo'y di malaman ang gagawin
Minamasdan pangit nilang apo.
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay pagkat makulit ang tatay mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang basang-basa sa 'yo.
Ngayon nga'y malaki ka na malaki narin ang utang mo
manang-mana ka sa tatay mo
Ikaw nga'y biglang nagbago naging matigas ang iyong ulo
kaya tinawag kang totoy bato.
di mo alam na si totoy bato'y tinodas na binoga ni boy pana
di mo alam na si totoy bato'y tinodas na pinana ni ben boga.
Nagdaan pa ang mga araw tumubo nang bungang araw
Ikaw ay nagkamot kay masamang bisyo
At ang una mong nilapitan ang 'yong inang nagsasakla
At ang tanong, "Anak, meron ba tayo diyan?"
At diyan natatapos ang awiting anak na aming pinalitan
at diyan na rin natatapos ang pag-awit naming tatlong anak ng kuwan
See also:
JustSomeLyrics
79
79.22
Shirley Yuan Fung Ying A Moment Of Romance Lyrics
Zóe Via Lactea Lyrics