OPM Erick Santos Pagbigyan Muli Lyrics
Muli ay pagbigyan, ako nagkamali.
Muli ay iyong patawarin, ako'y nagsisisi.
Alam kong ako'y nangakong di na mauulit pa.
Ako'y nagkamali sa'yo, muli ay patawarin mo.
Ako ba'y iyong yayakapin, nakaraa'y kayang limutin.
Magtiwalang muli, mahalin na muli. magbalik ka sa akin.
Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling.
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala ng pag-ibig sa akin.
Di kayang mag-isa, gusto kasama kita. sa'yo lang ang pag-ibig ko.
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali.
Pag-ibig ko'y muling tanggapin.
Muli ay iyong pagbigyan pag-ibig natin.
Sabihin mo sa akin, ang iyong gusto'y susundin.
Magtiwalang di sinasadyang maging di tapat sa'yo.
Nakalimot na ako, nangyari di ginusto.
Ako pa ba'y kayang yakapin, ang init ng halik sa akin.
Kaya bang ibalik, dama ang bawat saglit ng sakit.
Ngayong wala ka na.
Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling.
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala ng pag-ibig sa akin.
Di kayang mag-isa, gusto kasama kita. sa'yo lang ang pag-ibig ko.
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali.
Pag-ibig ko'y muling tanggapin.
Muling mahalin, di kakayaning ika'y mawala sa aking piling.
Muling mahalin, ika'y magbalik, magtiwalang muli.
Muling ibalik ang pag-ibig na dati'y sa atin, pagka't...
Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling.
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala ng pag-ibig sa akin.
Di kayang mag-isa, gusto kasama kita. sa'yo lang ang pag-ibig ko.
Magtiwalang muli ito na ang huling pagkakamali.
Pag-ibig ko'y muling tanggapin.
Muling tanggapin... muling tanggapin...
See also:
JustSomeLyrics
94
94.16
แอม เสาวลักษณ์ ลีละบุตร + อุ๊ หฤทัย ม่วงบุญศรี ตำนานคนโชคดี Lyrics
FIREHOUSE LOVE OF A LIFET Lyrics