Denmark Denmark - Asukal Sa Mundong Mapaet Lyrics

Rosan, pinilit kong pagkasyahin na isulat sa isang kanta ang lahat ng nararamdaman ko para sayo pero kahit sampung kanta ay di kayang ipaliwanag at iparamdam sayo kung gaano kalalim at kalawak ang pagmamahal ko sayo
Rosan para sayo lang ang kantang to.

Chorus:

Mahal~ mahal na kita~
Hindi kita iiwan~
Lumipas manang kailanman oh~ yeah~

1st
Mahal na mahal kita wala ng iba
Tibay ng pag-ibig ko sayo di magigiba
Ikaw lang mamahalin at sasambahit
Kahit magalit si sadam at tayo ay bombahin
Hinding hindi ka iiwan mahal kung rosan
Kahit maubos man ang minuto at segundo sa orasan
Magpakailanman ako'y sayo, ikaw ay akin at akin ang iyong puso~
Buksan mo man ang dibdib ko at iyong biyakin
Hindi hindi ka luluha at hindi paiiyakin
Mamahalin, hinding hindi kita ipagpapalit
Ikaw ang asukal sa mundong mapaet.
Pasekretong isinulat ang awit na ito,
Ito'y aking regalo, aking sorpresa sayo
At sa lahat ng dinaan ko nandyan ka
Di mo ko iniwan kaya ako masaya
Sa lahat ng kabaitan mo aking ibabalik
Wag kang mag-alala sayo lang ako hahalik.

~chorus~

2nd
Rosan, ako sayo ay tuwang-tuwa
Labintatlong-taon hindi pa rin nagsasawa
Hanggang ngayon mula noon masarap kang yakapin
Ang pisngi mo ang sarap pisilin
Pag natutulog ka pinapanood kita
Kasi baka mahulog ka uli sa kama
Naaalala mo pa ba?
Ika'y natatawa, sinasayawan kita tuwing umaga
Ginagawa ko yon para mapasaya kita
Gustong-gusto kitang makitang tumatawa
Ako na ang pinakamaligayang nilalang
Patay na patay pa rin ako sayo, alam mo yan
Sa mata mong maganda ako'y natutulala
Lahat ng problema natin dito ay nawawala
Salamat sa mga biyenan ko
Ke nanay at ke tatay karugtong ng buhay ko sila ang nagbigay.

~chorus~

3rd
Masasamang salita akin munang binura
Kasi ayaw na ayaw mo pag ako ay nagmumura
Napakahirap magsulat kapag umiiyak
Luha sa king mga mata lagi ng pumapatak
Ito'y luha ng kaligayahan ako'y di nagbibiro
Ito ang damdamin ko, ako sana'y dinggin mo
Magunaw man ang mundo, wag naman po sana
Ang tanging mahal ko, ikaw lang rosana
Akoy nanlalambot parang pandesal
Naalala mo pa ba nung tayo ay ikinasal?
Mata mo ay napaiyak ikaw ay napaluha
Sabi mo mahal mo ko kaya ako tuwang-tuwa
Walang pwedeng pumalit, walang pwedeng tumapat
Pagmamahal sayo sagad hanggang ugat
Milyun-milyon ang babae sa buong mundo
Pero nag-iisa lang ang nasa puso ko.

~chorus~

4th
Pag ikaw ay nawala ang buhay ko ay kulang
At pag hindi ka b__alik ako ay mabubuwang
At dahil sayo ang mundo ko may kulay
Rosan, pag-ibig ko sayo'y tunay

Rosan, ang lahat ng ginagawa ko ay para sayo, ang lahat ng pagsisikap at pagsisipag ko alam mong para sayo, kung sakaling mawala man ako dito sa mundo, pumanaw at suswertehen namang b__alik at ipinanganak muli, ikaw pa rin ang hahanapin, ikaw pa rin ang papakasalan ko, dahil sayo ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal, ang tunay na pag-ibig, ang tunay na pag-aalaga, gusto kong ibalik sayo lahat ng kabaitan mo, maraming maraming salamat sayo rosan, mahal na mahal kita, mahal na mahal kita.

See also:

115
115.64
Anne Murray & Nelly Furtado Daydream Believer Lyrics
Najbolji hrvatski tamburasi Ako odes ti Lyrics