Jolina Magdangal Yapak Lyrics

Matayog na bituin
Habang nagniningning
Nais kong marating
maabot ang hangarin

Sa tulong ng hangin
Aking liliparin
Patungo sa daigdig
Na ikaw ang kapiling

Aking Bathala
Ako'y nagsusumamo
Panalangin ko
Na sana'y magtagpo

Buksan ng yong pusong
Tahanan ko
Sabay mangangarap
Sa bagong mundo

Hahagkan ang umagang
Magbibigay ng liwanag
Sa mga yapak mo
Na aking susundan

Ang ating pag-ibig
Hindi madadaig
Ang bawat pagsubok
Ating nang kakayanin

Dakila ang pusong
Hindi sumusuko
Dalisay at wagas
Ang taglay na pagsuyo

Ibaling mong lahat
Ang takot at hirap
Pangakong kailanmay
Hindi ka iiyak

Buksan ng yong pusong
Tahanan ko
Sabay mangangarap
Sa bagong mundo

Hahagkan ang umagang
Magbibigay ng liwanag
Sa mga yapak mo
Na aking susundan

Ako ang yong karamay
Sa agos ng buhay
Sa lupa at sa langit man

Hahagkan ang umagang
Magbibigay ng liwanag
Sa mga yapak mo
Na aking susundan

Mga yapak mo
Ay aking susundan...

See also:

123
123.115
Os Paralamas do Sucesso & Titas Lanterna dos Afogados Lyrics
KC & JoJo kc and jojo - Jodeci- Lately Lyrics