Bukas Palad Humayo't Ihayag Lyrics
Humayo't ihayag, (Purihin Siya!)
at ating ibunyag (Awitan Siya!)
pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
ang siyang sa mundo'y tumubos!
Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala, Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!
Aleluya!
At isigaw sa lahat, kalinga Niya'y wagas.
Kayong dukha't salat: pag-ibig Niya sa inyo ay tapat!
Halina't sumayaw, buong bayan!
Lukso sabay sigaw, sanlibutan!
Ang ngalan Niyang angkin, singningning ng bituin:
Liwanag ng Diyos, sumaatin!
Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala, Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan, sa tanan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan! Aleluya!
See also:
JustSomeLyrics
32
32.84
Barbie Almalbis Torpe Lyrics
Lhasa de Sela La Frontera Lyrics